MINAMAHAL ANG KATOTOHANAN
Gawin sa kwaderno
Kopyahin at Sagutan natin ang mga tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa video clip/s?
2. Ano ang ginawa ng mga karakter sa inyong napanood na video clip/s?
3. Bakit nila nagagawa ang ganoong bagay?
4. Mahalaga ba sa inyo ang pag-alam at pagmamahal sa katotohanan? Bakit?
Suriin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. Isulat ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay tama.
Kung mali, isulat ang salitang MALI at itama ang nararapat na sitwasyon.
1. Ang bata ay nahuling nangongopya sa kaniyang kaklase. __________________________________
2. Si Carlo ay hindi nagsasabi ng totoo sa kaniyangmga magulang. ___________________________
3. Tuwing Biyernes, si Aldrin ay umaalis ng bahay upang pumasok sa paaralan ngunit hindi siya
dumederetso sa paaralan. _____________________
4. May pagkakataon ang batang si Rina ay malimit kumuha ng gamit na walang paalam.
_____________________________________
5. Si Albert ay laging nagsasabi ng totoo sa kaniyang mga magulang at guro._________________________________.
6. Ang batang si Michael ay nagmamalasakit sa mga gamit sa tahanan at paaralan ng buong tapat.
_____________________________________
7. Gumagawa ng tama sa lahat ng pagkakataon si Maricel kahit walang nakakakita. _____________
8. Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng masama dahil sa pakikisama. ________________________
9. Si Anthony ay malimit na hindi nagsasabi ng totoo dahil sa takot sa kaniyang mga kaklase.
____________________________________
10. Ang batang si Francis ay laging naninindigan laban sa masamang gawa kahit magalit ang
nakararami. __________________________
TANDAAN NATIN:
Ayon sa wikipedia.org., ang kahulugan ng katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman at mabuting paniniwala. Sa pagtukoy o pag-alam sa katotohanan, ang malawak na pag-iisip ay kinakailangan. Hindi lahat ng nakikita ay maaaring totoo. Kailangan ng masusing pagsusuri at pag-alam ng tamang impormasyon. Subalit sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao, lalo na ang mga kabataan, ay nalilito sa kung ano ang totoo o hindi. Ito ay dahil mahilig silang humanap at sumubok ng iba’t ibang bagay. At karamihan sa kanila ay walang pakialam sa magiging bunga ng kanilang aksiyon.
Kaya’t nararapat na lalo pang pag-ibayuhin ang paglinang sa pagpapahalagang pagmamahal sa
katotohanan, upang ang paggawa ng desisyon ay hindi lamang naaayon sa kagustuhan ng gumagawa
nito bagkus ay ayon sa tama at totoo.
Panoorin at unawain ang mga sumusunod na aralin. Gawin ang mga gawain sa kwaderno.
No comments:
Post a Comment